Tindero ng isda tepok sa kuryente
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang tindero ng isda matapos makuryente habang sinusubukang tanggalin ang naputol na kawad ng kuryente sa harap ng kanyang tindahan sa Purok-2, Brgy. Hindi, Bacacay, Albay, nitong Sabado ng umaga.
Kinilalang ang nasawing si Jhone, 29-anyos, residente ng Purok-2, Brgy. Pili Ilawod ng naturang bayan.
Sa ulat, pasado alas-9:00 ng umaga habang nagtitinda ng isda ang biktima nang biglang naputol ang kawad ng kuryente na bumagsak sa harap ng kanyang puwesto at motorsiklo saka nagliyab.
Mabilis kumuha ng kaputol na kawayan ang biktima at tinangkang sungkitin ang kable para ilayo sa kanyang tindahan at motorsiklo pero bigla itong nangisay at nahulog pa sa imburnal.
- Latest



















