2 Palaro standouts swak sa Team Philippines sa YOG
MANILA, Philippines — Dalawang batang atleta pa ang nadagdag sa Team Philippines na sasabak sa 4th Youth Olympic Games sa Dakar, Senegal.
Ito ay sina swimmers Jamesray Ajido at Riannah Coleman na nabigyan ng tiket na lumangoy sa boys’ 100-meter butterfly at girls’ 100m breaststroke event, ayon sa pagkakasunod.
Makakasama nina Ajido at Coleman sa delegasyon sa YOG sina tracksters Pi Durden Wangkay at Naomi Cesar, wushu taolu bet Angel Polo at cyclist Maritanya Krog.
Nakatakda ang event sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 13.
Ang 17-anyos na si Ajido ay wagi ng gold medal sa 11th Asian Age Group Swimming Championships noong 2024 at sumisid ng silver sa 3rd Asian Youth Games noong 2025 sa Bahrain.
Nagtala naman ang 16-anyos na si Coleman ng mga bagong Palarong Pambansa records sa girls’ 50m and 100m breaststroke sa Prosperidad, Agusan del Sur noong Mayo.
Binigyan ng International Olympic Committee (IOC) ang Pilipinas ng siyam na Universality Places para sa YOG.
Ang YOG ay para sa mga atletang may edad 15 hanggang 18-anyos.
- Latest





















