^

PSN Palaro

Chargers nakuha si Sato

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Chargers nakuha si Sato

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Akari ang paglalaro sa kanila ni veteran middle blocker Risa Sato ilang araw bago ang paghataw ng 2026 Premier Volleyball League (PVL).

“Welcome to Akari, Risa Sato!,” pahayag ng Chargers sa kanilang social media post. “Ready to bring in her championship ex­perience and energy, Risa will be a huge boost for the Chargers. Let’s gooo.”

Ang Akari ang ikaapat na PVL team ng Fil-Japanese defender na kumampanya para sa National University sa UAAP.

Una siyang naglaro para sa BaliPure (2017) bago lumipat sa Creamline (2018-2024) at tumalon sa Chery Tiggo (2025).

Bahagi si Sato ng 10 PVL championships ng Cool Smashers.

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay nanganak si Sato at pansamantalang nawala sa eksena.

Makakasama ni Sato sa Chargers ang bagong hugot na si Tim Tiamzon at sina Ivy Lacsina, Ced Domingo, Grethcel Soltones, Fifi Sharma at Faith Nisperos.

Inaasahang ipaparada ng Akari si Sato sa kanilang pagsagupa sa ZUS Coffee sa alas-4 ng hapon sa pagbubukas ng PVL On Tour sa Hulyo 8 sa Ilagan City, Isabela.

Maghaharap ang Creamline at Nxled sa ika­lawang laro sa alas-6:30 ng gabi. 

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with