Messi sumira ng World Cup record
ARLINGTON, Texas — Hinirang si Lionel Messi bilang highest goal scorer sa World Cup history matapos tulungan ang Argentina sa 2-0 pagdaig sa Austria sa kanilang Group J match.
Sumipa si Messi ng dalawang goals para sa kabuuan niyang 18 goals at ungusan ang 16 ni Germany legend Miroslav Klose.
Nauna nang pinantayan ng 39-anyos na Argentina skipper ang World Cup record na 16 goals ni Klose sa kanyang hat trick laban sa Algeria noong nakaraang linggo.
“I’m very happy with the victory,” ani Messi sa pagpasok ng Argentina sa knockout round.
May 122 international goals ngayon si Messi para sa Argentina sa ilalim ng 143 ni Cristiano Ronaldo ng Portugal.
Samantala, naduplika ni Kylian Mbappé ng France ang 16 goals ni Klose sa kanyang dalawang goals sa 3-0 demolisyon ng French team sa Iraq.
- Latest

















