Ahanmisi scoring champ sa Commissoner’s Cup

MANILA, Philippines — Scoring king si Jerrick Ahanmisi na nasa San Miguel na ngayon upang samahan ang nagsipagwagi ng parangal sa katatapos lang na PBA Season 50 Commissoner’s Cup.
Kumamada ng 21.5 points average si Ahanmisi upang kaldagin sina Sedrick Barefield ng Blackwater (21.08), RJ Abarrientos ng Barangay Ginebra (19.96), Damian Chong Qui ng guest team Macau Black Knights (19.83) at Robert Bolick ng NLEX (19.79).
Si Ahanmisi, dating player ng Ginebra, ang nagtala ng pinakaraming four-point baskets sa bilang na 12 sa buong conference.
Hari pa rin ng rebound si nine-time PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel sa 14.54 rebounds, tapal king si Zavier Lucero ng Magnolia sa 2.0 blocks, top playmaker si Bolick sa 9.21 assists, habang No. 1 sa steals si Joshua Munzon (2.92) ng NLEX.
Sahog din kay Fajardo ang league-best na 5.08 offensive rebounds.
Pinakaraming naisalpak na tres si Abarrientos (77), freethrows si Bolick (74), field goals (93) at four-point baskets (12) si Ahanmisi, habang pinakamataas na average minutes si Jenning Leung ng Macau sa 40.51 minuto kada laro.
Bida naman sa ibang departamento sina Ian Sangalang ng Magnolia (66.15% field goal), Chris Newsome ng Meralco (46.58% 3 points), Bong Quinto (55.56% 4 points) at Jordan Heading ng TNT Tropang 5G (92.85% freethrow).
Samantala para sa imports,, numero uno pa rin si Bol Bol sa puntos (35.88) at tapal (3.94) sa kabila ng kahit pa hindi natapos ang torneo dahil sa Achilles injury sa semifinals kontra sa Meralco.
- Latest



















