^

Pang Movies

Atasha, ‘di apektado ng bashers

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Atasha, ‘di apektado ng bashers
Atasha

Kahit may mga nagrereklamo sa pagkakapili kay Atasha Muhlach to play Annie Batungbakal in Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical, mas marami ang masaya. May nagparating na love nila ang buong cast, hindi lang si Atasha.

Sa reels video na inilabas ng Viva, ipinakilala ang ibang cast na kinabibilangan nina John Lapus at Jackie Lou Blanco. Una nang ipinakilala ang four leading men sa musical na sina Sam Concepcion, KD Estrada, Anthony Rosaldo at Jeff Moses.

Nagtanong kami sa tickets prices at ang pinakamahal ay P4,500 at ang pinakamura ay P1,500. Afford na afford ito at may time pang mag-ipon ang mga bibili ng tiket dahil sa July pa magsisimula ang ticket selling. Para hindi kayo maubusan, magpalista na kayo sa Ticketworld to get the best seats.

We asked Atasha kung sino ang mga iimbitahan niya sa opening ng musical? Pamilya niya ang top sa list, sumunod ang mga kaibigan at mga nakatrabaho sa mga project niya sa Viva. Pati nga staff and crew ng mga nagawa niyang projects, gusto niyang imbitahan bilang pasasalamat sa suporta at tulong sa kanya, lalo na sa mga tumulong para ma-deliver niya nang maayos ang Tagalog script niya.

ATASHA MUHLACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with