Ellen dinadawit? Isabel, may hanash kay John Lloyd?!

Break na ba sina John Lloyd Cruz at artist girlfriend niyang Isabel Santos?
May alam kaya si Ellen Adarna?
Usap-usapan kasi ito matapos i-deactivate ni Ms. Isabel ang kanyang Instagram account. Ito ay pagkatapos ng kanyang ilang cryptic post tungkol sa ‘birthdays’ at ‘men.’
Habang sinusulat namin ito ay hindi na ma-access ang account ni Isabel na naging visible sa social media lately dahil sa mga post ng ex ni John Lloyd. “I give up. Birthdays are just a day in a year you force to feel something. I’ve never had a good birthday for over six years and I don’t know why I keep trying,” kabilang sa mga post niya sa social media.
Dagdag niya sa isang photo quote: “36 is the year you start accepting compliments without embarrassment. This year your task is to believe in the promise of your own life.
“Say no to sh-t you hate. Remember what it feels like to roll around in your own dreams. Go to the limits of your longing. Leave the door open for people to walk through. As you journey into the next year, say, ‘Here I am,’ and listen closely as the universe responds, ‘So glad you are,’” buong post niya.
Kalakip ng mga nasabing quote ang pagbati niya sa sarili, “Happy birthday week, Isabel Santos.”
Isa pang nagpaisip sa social media users ay ang post niyang nagpapakita ng mensahe na “Men don’t protect you anymore” na nakaukit sa isang parang marmol na upuan.
“They follow the [money emoji],” sabi nito sa caption.
Grabe ang nabuong bonding kina John Lloyd, Isabel and Ellen. Ilang beses silang nag-out of town kasama ang anak nina Ellen at John Lloyd na si Elias at maging si Lili.
May kinalaman kaya rito ang mga statement ni Ellen lately na hindi siya nakikipagbalikan sa ex?
Assurance rin kaya ang mga pahayag ni Ellen na “best stepmom” si Isabel?
Sinabi nga ni Ellen sa online talk show ni Melai Cantiveros na hindi na siya naniniwala sa love at ramdam niyang mas ok siyang mag-isa. “I realized na I’m better off alone,” sabi ni Ellen na legally ay misis pa ni Derek Ramsay hanggang sa kasalukuyan.
Kasabay nito ay inamin din niyang naka-live-in niya lahat nang nakarelasyon niya na aniya ay turo ng kanyang ama.
At ang kinumpirma niya, hindi raw siya nakikipagbalikan sa mga nakarelasyon niya.
Or baka naman sinabi niya ito dahil nga nakita niya na may something na kina John Lloyd at Isabel?
Ipinakita rin kamakailan ni Ellen ang kanilang bonding kay Isabel sa Boracay trip sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories.
“Eh ‘yung iniiyakan kita for being the best stepmom. Mahal kita!” sabi niya sa post na kasama si Isabel.
Ahhh. Hintayin natin kung ano talagang pangyayari at kung bakit tinanggal ni Isabel ang kanyang account.
- Latest





















