Anunoby kasama sa Knicks history

NEW YORK — Isinulat ni OG Anunoby ang kanyang pangalan sa kasaysayan ng Knicks sa NBA Finals matapos ipasok ang game-winning tip-in sa huling 2.7 segundo sa kanilang 107-106 pagtakas sa San Antonio Spurs sa Game Four noong Huwebes.
Inilapit ni Anunoby ang Knicks sa hangad na unang NBA title sapul noong 1973 sa Game Five bukas.
“You have to have a little luck in life,” ani Knicks coach Mike Brown. “You’ve got to have a little luck in sports. But you can also make your luck too. So you’ve got to have some natural luck and some luck where you’re going to make your own luck, and that was probably the biggest message.”
Ang tip-in ni Anunoby ay nagmula sa mintis na three-point attempt ni star guard Jalen Brunson sa huling 4.3 segundo para kumpletuhin ang kanilang pagbangon mula sa isang 29-point deficit sa third period para resbakan ang San Antonio.
Nauna nang hinamon ni Brown si Anunoby sa halftime na maging agresibo sa offensive rebound.
Ito ang ginawa ni Anunoby nang mangibabaw siya sa rebound laban kina Fil-Am rookie guard Dylan Harper at Devin Vassell ng Spurs para sa basket.
Bago ito ay sinupalpal muna ni Anunoby ang layup ni Spurs guard De’Aaron Fox sa huling 11.7 segundo na nagresulta sa posesyon ng Knicks.
“We’re a resilient group. We’ve been through a lot. We’ve come back plenty of times when we’re behind,” wika ni Anunoby.
“Just staying with it, weathering the storm, not being too down or angry or frustrated. Just staying with it, cut down to 18, cut it down to six, push it through. It’s a 48-minute game, just play ‘til the end,” dagdag ng New York forward.
Samantala, naging brutal ang gabi para kay Victor Wembanyama ng Spurs matapos ang kanilang kabiguan sa Knicks.
Sa isang video na ibinahagi sa online ay nakitang binato ng itlog si Wembanyama sa kanyang pagpasok sa hotel at napapagitnaan ng security personnel.
Ilang segundo matapos batuhin ng itlog ay hinarap ni Wembanyama ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng hotel entrance.
- Latest


















