Cool Smashers kumpiyansa kay Jamili

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang Creamline na malaki ang maitutulong ng kanilang No. 8 overall pick na si Barbie Jamili.
Ang outside hitter ng Adamson Lady Falcons ang matagal nang hinihintay ng Cool Smashers, ayon kay veteran Jema Galanza.
“Alam natin kung paano siya maglaro. Talagang all around siya,” wika ni Galanza kay Jamili.
Kagaya ni Jamili, dati ring Lady Falcon si Galanza.
“Ako talagang super excitec talaga ako, lalo na galing din sa Adamson,” sabi ni Galanza kay Jamili.
Pinaghahandaan ng Creamline ang parating na 2026 PVL On Tour.
Bukod kay Jamili, nakuha rin ng Cool Smashers si free agent Ishie Lalongisip na nagmula sa Cignal.
“Excited lang ako na makasama ko sila sa training,” wika ni Galanza kina Jamili at Lalongisip.
Samantala, maituturing na reunion ang muling pagsasama nina No. 2 overall pick Detdet Pepito at star spiker Bella Belen sa Capital1 Solar Energy.
Naging teammates kasi sina Pepito at Belen sa Lucas Pascual Memorial Elementary School sa Quezon City.
At nang mag-college ay naglaro si Pepito sa University of Santo Tomas Glo-wing Tigresses sa UAAP.
Si Belen ay nagsuot ng jersey ng National University Lady Bulldogs na nabigyan niya ng tatlong UAAP championships.
“Masaya lang ako na nabigyan kami ng pagkakataon na maging teammates ulit,” ani Belen kay Pepito na isang two-time UAAP Best Libero awardee.
Bukod kay Belen, makakasama rin ni Pepito sa Capital1 sina veterans Vanie Gandler at Erika Santos.
Hinugot din ng Solar Spikers si No. 8 pick Khy Cepeda ng University of the East Lady Warriors.
- Latest



















