^

PSN Palaro

2-2 tabla babasagin

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagtabla sa 2-2, mag-uunahan ang Meralco, TNT Tropang 5G, Barangay Ginebra at Rain or Shine na makalapit sa dalawang finals berth ng Season 50 PBA Commissioner’s Cup.

Magtutuos ang Bolts at Tropang 5G ngayong alas-5:15 ng hapon kasunod ang salpukan ng Gin Kings at Elasto Painters sa alas-7:30 ng gabi sa Game Five ng kani-kanilang semifinals series sa Smart Araneta Coliseum.

Diniskaril ng Meralco ang pagbabalik ni import Chris McCullough sa PBA matapos talunin ang TNT sa Game 4, 101-90, para itabla sa 2-2 ang kanilang best-of-seven duel.

Kasabay ng panalo sa Tropang 5G ay ipinarada rin ng Bolts si 7-foot American-Egyptian Patrick Gardner, pumalit kay Marvin Jones, na humakot ng 20 points at 13 rebounds.

Tumapos naman si McCullough na may 24 points, 9 rebounds at 3 blocks para sa TNT.

“This is my first time picking up a basketball in 13 days, so I’m still getting my rhythm, still getting my flow, but once I get going, it’ll be scary,” sabi ng four-year NBA veteran na iginiya ang San Miguel sa korona ng 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Samantala, naging personalan ang giyera ng Ginebra at Rain or Shine nang magkasagutan sina Gin Kings team governor Alfrancis Chua at Elasto Painters coach Yeng Guiao matapos ang 97-85 panalo ng huli sa Game Four.

“Akala ko makiki-handshake siya. Nilapitan ko si coach Tim (Cone), nag-handshake kami tapos lumapit siya (Chua). Tinanong niya ako ano raw problema ko sa kanya. Sabi ko ‘wag mo lang kakausapin mga referees,” ani Guiao.

Ayon kay Chua, ang Rain or Shine na lamang dapat ang intindihin ng 67-anyos na si Guiao at hindi ang pamamahala niya sa Ginebra.

Inaasahang mas magiging emosyunal at pisikal ang salpukan ng Gin Kings at Elasto Painters para sa malaking 3-2 lead sa kanilang serye.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with