From no import to two imports
Matapos ang biglaang exit ni Bol Bol due to injury, nakakuha na ng replacement ang TNT patungo sa Game 4 ng best-of-seven semis ng PBA Commissioner’s Cup laban sa Meralco.
Replacements, actually.
Bukod kay Malick Diouf, ang dating UAAP player at bagong naturalized player ng Gilas, dumating na sa bansa si Chris McCullough, isang 6’9” NBA veteran na tumulong sa San Miguel Beer para mag champion sa 2019 Commissioner’s Cup.
Pero waiting pa pareho sa documents kaya dehins pa rin malinaw kung sino ang maglalaro sa Game 4 mamaya.
No import ang TNT sa Game 3 pero nanalo para kunin ang 2-1 lead sa serye. Sa kabilang semis, 2-1 lead din ang hawak ng Ginebra kontra Rain or Shine.
Kaya ang sabi ni coach Chot Reyes, sinusubukan nila pareho sa practice at sinisilip mabuti kung sino ang mas fit sa system nila.
Magpaparada din pala ng bagong import ang Meralco – si Patrick Gardner para palitan si Marvin Jones.
Biglaan ang exit ni Bol due to Achilles heel injury at dahil wala silang standby import, nagkukumahog si TNT team manager Jojo Lastimosa makakuha ng replacement.
May mga ibang tiningnan pero nauwi sila kay Diouf dahil nasa bansa na at kay McCullough base sa recommendation ni RHJ (Rondae Hollis-Jefferson).
Sa tingin ko, hindi na sila sumilip ng iba expecially kung ang ipapalit mo eh first-timer sa PBA or Philippine basketball.
Kaya kung PBA experience ang pag-uusapan, mas okay na si McCullough. Then backup si Diuof.
Ma-flat ka man, may reserbang gulong ka.
- Latest


















