Solomon lalahok sa PVL Rookie Draft

MANILA, Philippines — Balik Pilipinas na si Alas Pilipinas opposite spiker Alyssa Solomon matapos ang isang season na paglalaro nito sa Japan volleyball league.
Masisilayan na ang dating National University Lady Bulldogs player sa local scene ng matapos makumpirma ang pagsali nito sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft.
Ilang international teams ang kumukuha sa Pinay spiker subalit nagpasya nito na lumahok sa PVL Rookie Draft base na rin sa anunsiyo ng kanyang handler.
Matatandaang hindi sumali sa PVL Rookie Draft si Solomon noong nakaraang taon dahil naglaro ito para sa Osaka Marvelous sa Japan SV. League.
Sa 2025-2026 season ng liga, umabot ang Osaka Marvelous sa finals.
Subalit natalo ang Marvelous sa championship round laban sa Saga Hisamitsu Springs.
Magandang experience ito para kay Solomon na isa sa itinuturing na mahusay na outside hitters sa bansa.
Bahagi si Solomon ng Lady Bulldogs na nagkampeon ng ilang beses sa UAAP women’s volleyball tournament.
Kasama rin si Solomon sa nakalipas na kampanya ng Alas Pilipinas kabilang na ang Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand at sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Nations Cup kung saan nagtapos ang Pinay squad bilang runner-up.
- Latest
























