Get well, Bol
Sad ending ang first appearance ni Bol Bol sa PBA.
Sayang dahil marami siyang followers. May kilala ako, nanood ng TNT game dahil gusto niya makita si Bol in person.
Dehins kasi ordinary player – 7-foot-3 at legit NBA veteran.
Kaya swerte ang TNT sa kanya. Magaling na, crowd drawer pa. Pero maaga natapos ang stint niya sa PBA.
Last Friday, kung dehins n’yo napanood, na-injure si Bol sa Game 2 ng best-of-seven semis ng TNT at Meralco sa Commissioner’s Cup.
Wala naman collision pero tumumba si Bol sa first quarter. Napahawak sa kaliwang paa, sumubok tumayo then bumagsak ulit.
Sa mga may alam, takits agad na Achilles heel ang injury, ang makapal na litid sa sakong natin. Napupunit ‘yun.
“Out. Achilles,” ang sabi ni coach Chot Reyes.
Kailangan ng MRI para makita ang punit, then operation and matagal na rehabilitation.
And just like that, importless ang TNT kaya tumabla ang Meralco sa serye, 1-1. Naghahagilap ang TNT makakuha ng replacement, at para sa Game 3 mamaya, temporary replacement muna.
Kung sino ang available. Ang balita eh si Malick Diouf, and 6-foot-11 na player ng UP sa UAAP at ngayon eh naturalized player na ng Gilas.
Mahaba pa ang serye kaya malay natin, mag-click si Diouf or makahanap ang TNT ng solid na kapalit. Pero nobody, nobody like Bol.
- Latest


















