Alas Women Final 14 kukunin sa training pool

MANILA, Philippines — Kabuuang 26 players ang inilista para sa Alas Pilipinas Women training pool bilang bahagi ng preparasyon sa darating na 2026 AVC Women’s Volleyball Cup sa susunod na buwan.
Nangunguna sa listahan sina veterans Alyssa Valdez ng Creamline, Myla Pablo ng Nxled, Erika Santos ng Capital1, Ces Molina at Royse Tubino ng Farm Fresh at Jovelyn Gonzaga ng ZUS Coffee.
Ang Final 14 players ang hahataw sa 2026 AVC Women’s Volleyball Cup na nakatakda sa Hunyo 6 hanggang 14 sa Candon City Arena sa Ilocos Sur.
Si interim coach Shaq Delos Santos ang gagabay sa tropa matapos magkaroon si head coach Tai Bundit ng foot injury dahil sa isang aksidente sa Thailand.
Ang mga setters ay sina Jules Tolentino ng Nxled, Cloanne Mondonedo ng ZUS Coffee, Tin Ubaldo ng FEU Lady Tamaraws at Natalie Estreller ng Letran Lady Knights
Ang mga liberos ay sina Kyla Atienza ng Creamline, Alyssa Eroa ng ZUS Coffee, Shaira Jardio ng NU Lady Bulldogs at Lara Mae Silva ng Letran Lady Knights.
Sina Valdez, Pablo, Molina, Tubino, Vange Alinsug at Celine Marsh ng NU Lady Bulldogs at Vanessa Sarie ng Letran Lady Knights ang mga outside spikers.
Ang mga opposite hitters ay sina Santos, Gonzaga at Trisha Tubu ng Farm Fresh at Arah Panique ng NU Lady Bulldogs.
Ang mga middle blockers ay sina Thea Gagate at Riza Nogales ng ZUS Coffee, NCAA Season 101 MVP Zam Nolasco ng St. Benilde Lady Blazers, four-time UAAP best middle blocker Nina Ytang ng UP Fighting Maroons, Cla Loresco at Jaz Ellarina ng FEU Lady Tamaraws at Lhouriz Tuddao ng Adamson Lady Falcons.
- Latest




















