^

PSN Palaro

PSC, Maynila nagkaisa para sa Rizal Memorial redevelopment

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC) at City of Manila ang panukalang pagpapaganda sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) na nakalinya sa pagbabagong-anyo ng historic site sa isang world-class hub para sa sports, heritage at public engagement bago ang hosting ng bansa sa 2027 Southeast Asian Plus Youth Games.

Nagpulong sina PSC Chairman Patrick “Pato” Gregorio at Manila City Ma­yor Francisco “Isko” Moreno Domagoso sa Manila City Hall para talakayin ang mga bahagi ng proposed redevelopment, kasama rito ang pagpapatayo sa PSC Plaza, pagpapagawa ng isang elevated walkway sa Adriatico Street at ang paglalagay ng bagong Dr. Jose Rizal monument.

“This is a defining moment for Philippine sports and heritage. The Rizal Memorial Sports Complex is a living symbol of our nation’s sporting legacy,” wika ni Gregorio.

Ipinarating naman ni Domagoso ang suporta ng Maynila sa nasabing inisyatibo na nagpapatibay sa kanilang commitment na balansehin ang heritage preservation at modern urban development.

Pinag-usapan din nina Gregorio at Domagaso ang paggamit ng dalawang linya ng Adriatico Street sa isang public pathway bilang bahagi ng PSC Plaza na naaayon sa ordinances, legal agreements at regulatory approvals.

Ang plano para sa e­le­vated walkway at iba pa ay magkakatuwang na gagawin ng PSC, City of Manila at SM Prime Holdings.

Ang posibleng paglilipat sa P. Ocampo statue para bigyang-daan ang panukalang Dr. Jose Rizal fencing monument ay kailangan ng pag-apruba ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

PSC

RMSC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with