Rain or Shine Vs Gilas
Siguradong patok sa fans ang PBA Commissioner’s Cup semis na magsisimula mamaya sa Antipolo.
Parehong best-of-seven: Meralco vs defending champion TNT. Then Rain or Shine vs Gilas Pilipinas.
Yes, Gilas. ‘Yan kasi ang pananaw ni coach Yeng Guiao sa kalaban nila. Actually, Ginebra.
Pero sabi niya, “half of Gilas” ang Ginebra – mula kay Scottie Thompson, RJ Abarrientos, Troy Rosario, Japeth Aguilar, Justin Brownlee at coach Tim Cone.
Oo nga naman.
Samantala, ang Rain or Shine, aasa kila Adrian Nocum, Gian Mamuyac, Andrei Caracut ang dancing import na si Jaylen Johnson.
Well, on paper, ‘yan ang makikita mo. Pero inside the court, ibang usapan. Dehins naman aarangkada sa 7-0 ang Rain or Shine kung mahina sila.
Kaya naman nasa semis din. Panay na nga ang semis eh. Natutuka lang sa finish line at dehins umaabot sa finals.
Alam natin kung sino ang llamado sa labanan na ito. Ang Ginebra naman, kahit sino ang kalaban at kahit saan, sila ang favorite.
Kilala ko si coach Yeng. At sa tingin ko, mas gusto niya ito. Kahit sa karera, dehadista ang PBA coach at horse owner.
Kaya abangan natin ito: Rain or Shine vs Gilas.
- Latest


















