Instant millionaire
Who wants to be a millionaire?
Parang ‘yung sikat na TV game show ni Bossing Vic Sotto pero ‘yan ang bagong pakulo ngayon sa MPBL.
Shooting contest para sa mga fans ang nilatag ni SportsPlus CEO Andre Uy sa ongoing season. Ito ang format: pipili ng lucky contestant na susubok mag shoot ng layup, free throw, three-point shot at mula sa halfcourt — all in 45 seconds.
Ang mahirap, sariling pulot ng bola ang contestant kaya kung masama ang talbog ng long shot mo eh baka maubos na ang 45 seconds mo kakapulot ng bola.
Pero agad pinatunayan ni Francis Ablan, isang 5’10” at 22-year-old player from San Jose, Bulacan last Monday na kayang gawin.
Actually, sisiw. Easy layup, nakadalawang tira sa free throw line, isa sa three-point shot at believe or not shoot sa balde ang unang tira niya sa halfcourt.
In 25 seconds, naging instant millionaire ang bata.
Natural, hiyawan ang fans. At malamang, madaming humingi ng balato.
I’m sure happy din ang SportsPlus CEO dahil patok ang contest. Malaki din ang premyo kaya ang naisip ko, talagang double meaning kaya gawin ng isang above average na player gaya ni Ablan na isang shooting guard.
Ang dinig ko, guest contestant si Dondon Hontiveros, na isang pure shooter, kagabi at kung makuha niya ang special prize, for distribution ito sa fans.
Gusto ko din sana sumali pero sabi ko kay Sir Andre, imbes na 25 seconds, bigyan niya ako ng 25 minutes.
Baka maging milyonaryo ako.
- Latest


















