Final Four cast ng SGVIL kumpleto na

MANILA, Philippines — Napahirapan ang defending champion National University-Nazareth School bago nila tinalupan ang St. John’s Institute, 20-25, 32-30, 15-12, sa Shakey’s Girls Volleyball Invitational League (SGVIL) Rising Stars Cup Division 1 quarterfinals knockout kahapon na nilaro sa La Salle Green Hills Gym.
Nagtala ng clutch plays si Xyz Rayco upang tulungan ang Lady Bullpups na sumampa sa Final Four kung saan ay nasagad sa three sets ang kanilang labanan.
Pumalo ng anim na sunod na puntos ang reigning UAAP champion para hawakan ang four-point lead, 9-5 sa third set para makuha ang importanteng panalo.
Bumakas naman si Jhaynna Bulandres ng 12 markers habang nagdagdag si Raine Alonzo ng siyam na puntos para sa NUNS na makakalaban sa susunod na laro ang University of Santo Tomas ngayong araw sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
Winalis naman ng Junior Golden Tigresses ang King’s Montessori School, 25-19, 25-21, upang pumasok sa semis sa event na mapapanood sa live and on-demand via PusoP.com livestream at Solar Sports.
Umabante rin sa finals ang last year’s runner-up Bacolod Tay Tung matapos kalusin ang 2024 champion Adamson University, 25-21, 25-21.
Makakalaban ng Bacolod Tay Tung ang Far Eastern University-Diliman na pinatalsik ang Immaculada Concepcion College, 25-11,25-17 sa Final Four.
- Latest


















