Suspensyon kay Doncic binawi
LOS ANGELES -- Pinayagan ng Lakers si Luka Doncic na maglaro laban sa Detroit Pistons ngayon matapos ang technical foul na nagresulta sana isang automatic suspension sa nakaraan nilang panalo kontra sa Orlando Magic sa Florida noong Sabado.
Ito ang ika-16 technical foul ni Doncic sa season.
Pinarusahan ang Slovenian superstar dahil sa kanyang verbal altercation kay Goga Bitadze ng Magic matapos ang isang free throw attempt.
Sa ilalim ng NBA rules, ang isang player na nagkaroon ng 16 technical fouls sa isang season ay awtomatikong papatawan ng isang one-match suspension. Ngunit sinabi ng NBA sa isang statement sa X kahapon na ang technical fouls kina Doncic at Bitadze ay binawi “upon league office review.”
Dahil dito ay puwedeng maglaro si Doncic sa pagharap ng Lakers sa Pistons.
Target ng Lakers ang kanilang pang-10 sunod na panalo.
Kumamada si Doncic ng average na 40 points a game sa nine-game winning run ng Lakers kabilang ang 60-point performance sa paggupo sa Miami Heat noong Huwebes.
- Latest





















