Lady Altas babawian ang Lady Blazers
MANILA, Philippines — Inaasahang babawi ang University of Perpetual Help System DALTA sa nagdedepensang De La Salle-College of Saint Benilde sa Game Two ng kanilang best-of-three semifinals series sa NCAA Season 101 women’s volleyball tournament.
Ito ay matapos kunin ng Lady Blazers ang 25-17, 18-25, 25-27, 25-19, 15-8 panalo kontra sa Lady Altas sa Game One noong Linggo.
Bumira si Zam Nolasco ng 28 points mula sa 21 attacks at pitong blocks para sa 1-0 lead ng St. Benilde, habang nagtala si Kai Lleses ng triple-double na 16 points, 17 receptions at 15 digs.
Pumalo sina Jem Menor at Shai Omipon ng tig-18 points sa panig ng Perpetual.
Determinado ang Lady Altas na resbakan ang Lady Blazers sa Game Two bukas sa San Andres Sports Complex sa Manila.
Samantala, tinalo ng Colegio de San Juan de Letran ang San Beda University, 20-25, 28-26, 25-21, 28-26, sa isa pang Final Four match para lumapit sa ikatlong sunod na finals appearance.
- Latest




















