Khobuntin at Johnson sinuspinde, pinagmulta
MANILA, Philippines — Sinuspinde at pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office kahapon sina TNT Tropang 5G guard Glenn Khobuntin at Rain or Shine import Jaylen Johnson matapos ang kanilang suntukan noong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.
Isang two-game suspension ang iginawad sa 34-anyos na si Khobuntin bukod sa multang P70,000.
Inilatay naman sa 6’9 na si Johnson ang isang one-game suspension at multang P50,000 sa 112-109 panalo ng Elasto Painters sa Tropang 5G.
“Sobrang nagsisisi. Maluha-luha. Sabi ko sa kanya, ‘anong nangyari sa iyo? Ang ganda-ganda ng career mo eh,” ani PBA Commissioner Willie Marcial kay Khobuntin matapos niyang ipatawag sa opisina kasama si Johnson.
“Nagpapa-sorry siya kay Johnson. Tsaka sa lahat, sa fans, sa PBA family. Mag-apologize din siya sa mga teammates niya pagpunta niya ng practice,” dagdag ni Marcial.
Nangyari ang suntukan matapos makipag-agawan sa puwesto si Johnson kay Khobuntin sa 6:20 minuto ng fourth quarter.
- Latest




















