Twice-to-beat’ sinuwag ng Lady Altas

CEBU, Philippines — Humataw si Jemalyn Menor ng 17 points para gabayan ang University of Perpetual Help System DALTA sa 25-17, 25-16, 25-19 panalo sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 101 women's volleyball tournament kahapon sa San Andres Gym sa Malate, Manila.
Itinaas ng Lady Altas ang kanilang record sa 10-2 para angkinin ang ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals.
Nagdagdag si Cyrille Almeniana ng 14 amrkers, habang may 25 excellent sets si setter Fifi Ariola at nagtala si libero Joanna Denise Lozano ng 23 digs.
Pinamunuan ni Juna Mae Gonzales ang Lady Stags, may 5-8 baraha, sa kanyang 10 points.
Sa isa pang laro, tinalo ng Letran Lady Knights ang Arellano Lady Chiefs, 25-14, 24-26, 26-24, 20-25, 15-10, para sa kanilang perpektong 12-0 kartada.
Sa men’s division, inangkin din ng Perpetual Altas sa ‘bonus’ sa quarterfinals nang suwagin ang Stags, 26-24, 25-21, 25-17.
May 9-3 baraha ngayon ang Altas kumpara sa 5-8 marka ng Stags. (Russell Cadayona)
Na-blocked nina Charise Enrico (2) at Cyrille Almeniana ng Perpetual Lady Altas ang atake ng San Sebastian Lady Stags player.
- Latest

















