^

PSN Palaro

NU minantsahan ng UP

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nakapagtala ng mala­king upset win ang University of the Philippines matapos payukuin ang defending champion National University, 16-25, 16-25, 25-22, 31-29, 18-16 sa UAAP Season 88 collegiate women’s volleyball tournament na nilaro sa UST Quadricentenial Pavilion kahapon.

Nasa hukay ang isang paa ng UP nang maunahan sila sa unang dalawang sets, pero naging matatag sila para silatin ang pinapaborang NU.

Kinapitan ng UP ang trio nina Nina Ytang, Casiey Dongallo at Jelai Gajero sa dikdikang labanan upang dungisan ang malinis na karta ng three-peat seeking na NU.

Parehong may tig 3-1 karta ang UP at  NU at magkasalo sila sa No. 2 ng team standings habang solo sa tuktok ang last year’s runner up na La Salle.

Nakauna ang Lady Bulldogs nang angkinin ang panalo sa sets 1 at 2 at mamuro sa pagwalis sa Fighting Maroons.

Subalit biglang buma­ngis ang UP para sikwatin ang panalo sa third at fourth frame kaya nakahirit sila ng deciding fifth set.

Sa unang laro, sinandalan ng University of Santo Tomas ang homecourt advantage upang sakmalin ang University of the East, 25-11, 25-14, 25-14.

Pinamunuan ni Jonna Perdido ang atake ng UST upang tulungan na ikahon ang ikalawang sunod na panalo.

NU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with