Lady Blazers wagi sa Lady Altas
MANILA, Philippines — Nagbalik sa kanilang porma ang nagdedepensang De La Salle-College of Saint Benilde matapos walisin ang University of Perpetual Help System DALTA, 25-20, 25-16, 25-19, sa NCAA Season 101 women’s volleyball tournament kahapon sa San Andres Sports Complex sa Manila.
Pumalo sina Clydel Catarig at Zam Nolasco ng tig-16 points para sa 7-3 record ng Lady Blazers.
Umiskor si Jem Menor ng 16 points para sa 8-2 marka ng Lady Altas.
Samantala, tinalo ng Colegio de San Juan de Letran ang Emilio Aguinaldo College, 25-19, 25-23, 23-25, 25-27, 15-13.
Umiskor si Judiel Nitura ng game-high 21 points para sa 10-0 baraha ng Lady Knights na mayroong ‘twice-to-beat’ sa quarterfinals.
- Latest



















