Clippers pinulutan ng Timberwolves

INGLEWOOD, Calif. -- Kumamada si Anthony Edwards ng 31 points at nagdagdag si Donte DiVincenzo ng 18 markers para sa 94-88 pagpulutan ng Minnesota Timberwolves sa Los Angeles Clippers.
Umiskor sina Jaden McDaniels at Ayo Dosunmu ng tig-12 points at humakot si Rudy Gobert ng 13 rebounds para sa pang-limang panalo ng Timberwolves (37-23) sa huling anim na laro.
Ang step-back three-point shot ni Edwards sa huling 42.9 segundo ng fourth quarter ang sumelyo sa kanilang panalo.
Pinamunuan ni Derrick Jones Jr. ang Clippers (27-31) sa kanyang 18 points kasunod ang 14 markers ni Bennedict Mathurin.
Laglag ang Los Angeles sa ikatlong sunod na kamalasan kung saan hindi naglaro si injured star Kawhi Leonard (ankle).
Kinuha ng Minnesota ang 44-38 halftime lead sa likod ng 12 points ni DiVincenzo at 11 markers ni Edwards.
Naagaw ng Clippers ang 68-63 bentahe papasok sa fourth quarter.
Ang drive at reverse layup ni Edwards ang nagbigay sa Timberwolves ng 76-74 kalamangan sa 7:40 patungo sa kanilang panalo.
Sa Phoenix, isinalpak ni Royce O’Neale ang isang 3-pointer sa nalalabing 0.9 segundo para sa 113-110 pagtakas sa Suns (34-26) sa Los Angeles Lakers (34-24).
Mintis ang 3-point attempt ni Austin Reaves para sa huling posesyon ng Lakers na nakahugot kay Luka Doncic ng 41 points, 8 rebounds at 8 assists.
Sa iba pang laro, pinabagsak ng Charlotte Hornets ang Indiana Pacers, 133-109; pinalamig ng Philadelphia 76ers ang Miami Heat, 124-117; dinagit ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards, 126-96; panalo ang San Antonio Spurs sa Brooklyn Nets, 126-110; at dinaig ng Houston Rockets ang Orlando Magic, 113-108.
- Latest


















