Bol Bol nagpasikat sa MVP Olympics

MANILA, Philippines — Nagpasiklab muna si TNT Tropang 5G import Bol Bol sa Sigla MVP Olympics All-Star Game bago sumalang sa dikdikang training camp ngayon sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna bilang paghahanda ng kanilang koponan para sa nalalapit na PBA Season 50 Commissioner’s Cup.
Si Bol Bol ang nag-silbing guest star sa MVP Olympics at bumandera sa ceremonial jump ball kasama sina TNT team owner, MVP Group of Companies chairman at CEO Manny V. Pangilinan at PBA chairman, SBP president at TNT team governor Ricky Vargas.
Kasabay ng pagdiriwang ni Vargas na nagsilbing Team Blue manager kontra kay Team White manager Atty. William Pamintuan na team governor ng Meralco ng kanyang ika-74 na kaarawan.
At naging makulay ito sa pag-arangkada ng MVP Olympics tampok si Bol Bol matapos maitakas ng Team Blue ni TNT manager Jojo Lastimosa ang pambihirang 60-59 panalo kontra sa Team White ni Meralco head coach Luigi Trillo.
Bumida para sa Team Blue na tampok din si Meralco guard CJ Cansino bilang import ang artistang si Wendell Ramos na nagsalpak ng pampanalong free throws sa huling 4.7 segundo upang daigin ang Team White na kasama rin si Meralco veteran Chris Banchero bilang import.
Subalit ang atensyon ay na 7-foot-3 na si Bol Bol na siyang pinaka-inaabangan sa lahat ng imports dahil sa naging kampanya niya para sa Denver Nuggets, Orlando Magic at Phoenix Suns matapos maging 44th overall pick ng Miami Heat noong 2019.
- Latest

















