^

PSN Palaro

Centeno pasok sa QF sa Las Vegas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maawat si world champion Chezka Centeno nang muli itong maglabas ng mabagsik na laro upang umabante sa quarterfinals ng 2026 Las Vegas Open na ginaganap sa Westgate Las Vegas Resort and Casino sa Nevada. Pinataob ni Centeno si American Kennedy Mayman sa bendisyon ng 2-0 demolisyon upang masiguro ang tiket sa Last 8 ng torneo.

Inilatag ni Centeno ang matikas na porma nito upang itarak ang 4-2 panalo sa first set laban kay Meyman.

Hindi na nakaporma pa kay Centeno  ang American cue artist nang ilatag nito ang solidong 4-0 pananaig para tuluyang makuha ang panalo.

Sunod na makakasagupa ni Centeno si Jasmin Ouschan ng Austria. Nauna nang namaalam sa kontensiyon si world champion Rubilen Amit na

natalo kay Amber Chen sa iskor na 1-2.

Sa men’s division, bigo si veteran Pinoy cue master Carlo Biado na umusad sa quarterfinals matapos lumasap ng 0-2 kabiguan sa kamay ni Joshua Filler ng Germany sa kanilang Round-of-16 match.

Si Biado lamang ang nakaabot sa Round-of-16 matapos isa-isang yumuko sa kani-kanyang laban ang iba pang Pinoy na sina Miguel Sevilla, Roland Garcia, Jefrey Roda at Jeffrey De Luna.

Natalo si Sevilla kay Shane Van Boening ng Amerika (0-2) habang tumupi si Garcia kay Ben Francis ng Canada (02).

Taob din si Roda kay Albin Ouschan ng Australia (1-2) gayundin si De Luna na natalo kay Ruslan Chinakov ng Russia (0-2).

AMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with