^

PSN Palaro

Yulo nakatutok sa LA at Brisbane Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puno na ang kaban ni Paris Olympics gold meda­list Carlos Yulo ng kaliwa’t ka­nang tagumpay mula sa iba’t ibang malalaking torneong nilahukan nito.

Maraming beses na itong nagbigay ng karanga­lan sa bansa — mula sa Southeast Asian Games, Asian Championships, World Championships ay Olympic Games.

Subalit wala pang balak huminto si Yulo.

Nais nitong magpatuloy sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.

Partikular na tinututukan nito ang 2028 Olympic Games sa Los Angeles, California kung saan dalawang korona ang ipagtatanggol nito.

“Marami pa po akong gustong ma-achieve. Hindi pa po natatapos ‘yung journey ko. Meron pang LA Olympics. After that hindi ko pa po alam if tutuloy pa po ako,” ani Yulo.

Matapos ang LA Olympics, tiwala si Yulo na ma­kakaabot pa ito sa 2032 Bris­bane Olympics.

“Pero I can see na kaya kong abutin ‘yung 2032 Olympics,” ani Yulo.

Umaasa lang si Yulo na maging healthy ito sa ba­wat laban nito gayundin sa pukpukang ensayo upang maiwasan ang anumang in­jury.

“I’m just really praying na maging safe ako parati sa lahat ng competitions ko and training ko,” dagdag ni Yulo.

Masaya si Yulo sa ta­gumpay ng mga Pilipino sa international scenes.

Kabilang na rito si Alex Eala na co-Athlete of the Year nito sa katatapos na PSA Annual Awards Night.

Bakasyon muna si Yulo kasama ang kasintahang si Chloe.

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with