^

PSN Palaro

Ramos sabak kaagad sa Gilas training

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang pahi-pahinga para kay Dwight Ramos na sumali agad sa ensayo ng Gilas Pilipinas matapos ang kampanya sa Japan B. League bilang preparasyon ng koponan sa papalapit na second window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 26 hanggang Marso 1.

Si Ramos ng Levanga Hokkaido ang pinakabagong dagdag sa training camp ng Gilas na lumipat na closed-door venue sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna mula sa Upper Deck Sports Center sa Pasig City.

Kagagaling lang ni Ramos at ng Hokkaido sa 93-115 kabiguan kontra sa dati niyang koponan na Toyama Grouses.

Sinamahan ni Ramos sa ensayo sina PBA pla­yers Justine Baltazar at Juan Gomez de Liaño, ng Converge, June Mar Fa­jardo at CJ Perez ng San Mi­guel, Chris Newsome ng Meralco, Calvin Oftana ng TNT, Scottie Thompson, RJ Abarrientos, Troy Ro­sario at naturalized player Justin Brownlee ng Ginebra.

Naghahanda ang Gilas para sa road games kontra sa New Zealand at Australia sa Pebrero 26 at Marso 1, ayon sa pagkakasunod, matapos walisin ang first  window kontra sa Guam.

Kasalo ng Gilas sa tuktok ng Group A ang Austra­lia hawak ang parehong 0-2 kartada kasunod ang mga kulelat na Guam at New Zealand na may 0-2 marka.

Ina­asahang dumating na rin nga­yong linggo ang iba pang Asian imports sa Japan B. League at Korean Basketball League na sina AJ Edu, Carl Tamayo at Ke­vin Quiambao.

DWIGHT RAMOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with