^

PSN Palaro

Madis ibubuhos ang lahat sa PWO

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bukod kay World No. 49 Alex Eala ay nabigyan din ng wildcard entry si Pinay netter Tennielle Madis sa WTA 125 Philippine Women’s Open na papalo sa Enero 26 hanggang 31 sa maalamat na Rizal Memorial Tennis Center.

Kaya naman hindi niya ito sasayangin para sa kanyang kauna-unahang international women’s event.

“My goal is to compete well and I’ll just focus on enjoying every match.” sabi ng 18-anyos na tubong M’lang, North Cotabato.

Kasalukuyan nang nasa matinding pagha­handa si Madis, humataw ng tig-isang bronze medal sa women’s doubles at team event sa nakaraang 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.

Kumuha si dating na­tional tennis player at ngayon ay coach niyang si Bobie Angelo ng mga male college players at professional netters para ihanda si Madis.

Wala pang katiyakan kung makakasali si Eala sa PWO dahil sa kampanya nito sa Australian Open sa Melbourne.

Ilan sa mga nagkumpirma ng kanilang pagsali sa PWO ay sina World No. 42 Tatjana Maria, No. 43 Wang Xinyu, No. 64 Solana Sierra, No. 85 Lulu Sun at No. 87 Moyuka Uchijima.

Si Madis ay pumuwesto sa No. 196 sa International Tennis Federation (ITF) bilang junior player.

“I’m super super excited kasi makakalaban ko ‘yung mga higher level na pla­yers,” ani Madis na magtutungo sa United States para maglaro sa University of Hawaii sa US NCAA.

Tanging si Madis lamang ang Pinay player na kasama sa main draw ng women’s singles.

Sakaling tuluyan nang hindi makalaro si Eala sa PWO ay inaasahang solidong suporta ang makukuha ni Madis mula sa mga Pinoy tennis fans.

WTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with