POC kumpiyansa sa Team Philippines

MANILA, Philippines — Sa kabila ng paisa-isang panalo ng gold medal ay naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na malalampasan ng mga Pinoy athletes ang target sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.
Nakakolekta na ang delegasyon ng 15 gold, 23 silver at 53 bronze medals para sa sixth place sa overall medal standings na dinodomina ng host Thailand sa nahakot na 99 golds, 62 silvers at 39 bronzes.
Sa 2023 edition sa Cambodia ay nag-uwi ang mga Pinoy athletes ng 58 golds.
“We’ll get there, I’m confident and I trust our athletes to go all out in the next six days and get to our modest target,” ani POC president Abraham “Bambol” Tolentino.
Si Olympian swimmer Kayla Sanchez ang bumabandera sa kampanya ng Pilipinas na nasa ilalim ng Indonesia na may 32 ginto, 46 pilak at 37 tanso kasunod ang Vietnam (30-29-56), Singapore (19-19-25) at Malaysia (16-15-51).
Ayon kay Tolentino, may mga gold medals na nakawala at kumpiyansang makakabawi ang mga Pinoy athletes habang umiinit ang mga labanan.
Samantala, nadismaya naman ang Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) sa kabiguan nina Olympic medalist Nesthy Petecio at Hergie Bacyadan sa semifinals.
Maging ang Thai officials ay hindi makapaniwala sa naging resulta ng laban pati ang Indonesian sports minister ay nagulat.
- Latest



















