^

PSN Palaro

Isa na lang sa Lady Bulldogs

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Isa na lang sa Lady Bulldogs
Tangan ng Golden Tigresses ang dalawang puntos na bentahe 12-10 at nakapormang itatakas na nila ang panalo sa tournament na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Napasakamay ng defending champion National University ang panalo sa Game 1 matapos nilang sagpangin ang University of Sto. Tomas, 16-25, 25-23, 25-17, 13-25, 15-12 sa best-of-three finals sa 2025 Shakey’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila kahapon.

Tangan ng Golden Tigresses ang dalawang puntos na bentahe 12-10 at nakapormang itatakas na nila ang panalo sa tournament na katuwang ang Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.

Pero pumalo ang four-peat seeking Lady Bulldogs ng 5-0 run para makuha nila ang mahirap na panalo at mamuro sa pagsilo ng titulo.

Naging susi sa panalo ng NU si super rookie Samantha Cantada na nagtala ng mga krusyal na puntos kaya naman nahirang itong Most Valuble Player of the Game.

“May goal po ang team na ito, gagawin lang po namin yung best namin manalo o matalo,” ani Cantada, “Training lang po ulit kami, back to basic at reset kami,”

Tumikada si Cantada ng 18 points mula sa 16 attacks at dalawang service aces para sa Lady Bulldogs na posibleng makuha ang kampeonato sa Game 2 sa Nobyembre 15 sa parehong venue.

Pinamunuan ni Angeline Poyos ang opensa ng UST sa nirehistrong 21 puntos sa event na suportado ng Asics, Mikasa, Smart Sports, Summit, Team Rebel Sports, Belo Deo, Eurotel-Apo View Hotel, Batangas Country Club, Executive Optical, Baic Auto Philippines, SM Tickets at PusoP.com bilang technical partners.

Samantala, nasikwat ng University of the Philippines ang fifth place matapos nilang kaldagin ang A­teneo de Manila University, 23-25, 25-16, 25-23, 25-16 sa ligang mapapanod sa live and on demand via PusoP.com at Solar Sports.

SSL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with