Win No. 9 susuwagin ang Altas
MANILA, Philippines — Ang pang-siyam na panalo at ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals ang pakay ng University of Perpetual Help System DALTA sa pagsagupa sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 101 men’s basketball tournament sa FilOil Centre sa San Juan City.
Lalabanan ng Altas (8-1) ang Stags (2-7) ngayong alas-2:30 ng hapon sa Group A matapos ang banggaan ng Letran Knights (5-4) at Jose Rizal Heavy Bombers (5-4) sa Group B.
Muling aasahan ng Perpetual sina Patrick Sleat at Mark Gojo Cruz na bumida sa kanilang 88-85 triple overtime win kontra sa San Beda (6-3).
Samantala, bumangon ang nagdedepensang Mapua University mula sa kabiguan para talunin ang Lyceum of the Philippines University , 78-73, kahapon.
Nagmula ang Cardinals sa pagyukod sa St. Benilde Blazers sa kanilang finals rematch para itaas ang baraha sa 5-5 sa Group A.
Bigo naman ang Pirates na matusok ang back-to-back wins at nahulog sa 2-8 marka.
Sa ikalawang laro, sinolo ng Red Lions (7-3) ang liderato sa Group B matapos ang 80-76 pagdispatsa sa Blazers (6-4).
- Latest



















