^

PSN Palaro

SMB tatagay ng panalo sa ROS

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatagay sa mailap na unang panalo ang reigning champion San Miguel Beer kontra sa Rain or Shine sa pagdayo ng PBA Season 50 Philippine Cup ngayon sa Ynares Sports Center sa Montalban, Rizal.

Maalat ang naging si­mula ng Beermen sa unang 2 salang kaya siguradong gigil na makaisa kontra sa wala pang galos na Elasto Painters (1-0) sa alas-5:15 ng hapon bago ang banggaang Magnolia (2-0) at Meralco (2-2) sa alas-7:30 ng gabi.

SMB ang naghari sa Season 49 matapos purnadahin ang Grand Slam ng Talk ‘N Text kaya malaki ang inaasahan sa kanilang title defense subalit yumukod agad sa NLEX, 85-84, at Phoenix, 109-103, upang mangulelat sa 12-team standings.

Ito ay sa kabila ng buong puwersang pagbabalik ni CJ Perez mula sa ankle injury na natamo niya sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa 2025 FIBA Asia Cup sa Saudi Arabia, kung saan nagkasya lang sa ika-7 puwesto ang Nationals.

Pumukol ng 17 puntos si Perez kontra sa Fuel Masters matapos ang limi­tadong pagbabalik kontra sa Road Warriors subalit kakailanganin pa ni head coach Leo Austria ng higit doon upang malusutan ang palabang Elasto Painters.

Aasa si Austria sa mga pambatong sina June Mar Fajardo, Don Trollano, Mo Tautuaa, Juami Tiongson, Marcio Lassiter at Jericho Cruz.

RAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with