^

PSN Palaro

Bounce back win ng Cardinals sa Stags

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bounce back win ng Cardinals sa Stags
Pinasok ni Earl Sapasap ng Mapua Cardinals ang depensa ng San Sebastian Stags para sa kanyang basket.
NCAA photo

MANILA, Philippines —  Bumalikwas ang nagdedepensang Mapua University mula sa kabiguan matapos pasabugin ang San Sebastian College-Recoletos, 70-49, sa NCAA Season 101 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Pinaganda ng Cardinals ang kanilang kartada sa 3-1 sa Group A at nakabangon sa 65-75 pagkatalo sa Perpetual Help Altas noong Miyerkules.

“Hindi puwedeng sabihin lang nila na bounce back, ang kailangan namin dito, magtrabaho,” sabi ni coach Randy Alcantara sa kanyang tropa.

Hulog naman ang Stags sa 1-3 baraha at bi­gong masundan ang double-overtime win sa Lyceum Pirates.

Sumandal ang Mapua kina Ivan Lazarte at Earl Sapasap sa dulo ng fourth quarter kung saan umiskor lamang ang San Sebastian ng kabuuang anim na puntos.

Kumamada si Lazarte ng 14 points habang humakot si Sapasap ng 11 points, 7 rebounds at 3 assists para banderahan ang Cardinals na nakahugot kay reigning MVP Clint Escamis ng dalawang marka mula sa 1-of-6 field goal shooting.

Sa unang laro, tinusok ng De La Salle-College of Saint Benilde ang ikatlong sunod na panalo sa 73-65 paggupo sa Jose Rizal University.

Bumira si Raffy Celis ng 20 points at may 17 mar­kers si Justine Sanchez para sa 3-1 baraha ng Blazers sa Group B.

FILOIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with