^

PSN Palaro

Baste winalis ng CSB sa SSL

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

Maganda ang naging simula ng College of St. Be­nilde matapos talunin ang San Sebastian College-Recoletos, 25-17, 25-20, 25-18, sa 2025 Sha­key’s Super League (SSL) Preseason Unity Cup kahapon sa Paco Are­­na sa Manila.

Magaang na tinusta ng Lady Blazers ang Lady Stags sa loob ng 77 minuto para irehisto ang 1-0 karta sa Pool D.

Kumana si Zam Nolas­co ng siyam na puntos para sa CSB sa event na inisponsoran ng Shakey’s Pizza Parlor, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner at R and B Milk Tea.

Bahagyang nagkaroon ng pagkabalisa sa bandang dulo ng second set ang SSL National Invitationals Batangas Leg runners-up ay na kontrol pa rin nila ang laban sa torneong suportado ng Asics, Mikasa, Smart Sports, Summit, Team Rebel Sports, Belo Deo, Eurotel-Apo View Ho­tel, Batangas Country Club, Executive Optical, Baic Auto Philippines, SM Tickets at PusoP.com bilang technical partners.

Nakatuwang ni Nolasco si Camila Bartolome na nagtala ng pitong puntos kasama ang anim na attacks.

Nalasap ng Lady Stags ang pangalawang sunod na kabiguan.

Bumira si Christina Ma­rasigan ng walong puntos para sa Lady Stags, habang may pitong marka si Katherine Santos kasunod ang tig-anim nina Princess Ramos at Divine Garcia.

CSB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with