QMB pasok sa Gilas pool

MANILA, Philippines — Pasok na ang pangalan ni Quentin Millora-Brown sa Gilas Pilipinas pool na maghahanda para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula sa Nobyembre.
May kabuuang 16 players na ang nasa pool kabilang din sina naturalized player Ange Kouame at RJ Abarrientos, habang nakalista na rin si Japeth Aguilar na bahagi na ng Gilas Pilipinas sa mga nakalipas na laban nito.
Isinama na ang dating University of the Philippines standout na si Millora-Brown na kamakailan lamang ay nabigyan ng ‘go signal’ para maglaro bilang local player ng Gilas Pilipinas.
Nasa pool pa rin si Kai Sotto na kasalukuyang nasa rehabilistasyon matapos sumailaim sa operasyon dahil sa tinamo nitong ACL injury habang naglalaro ito sa Japan B.League.
“Continuity is still the main priority of coach Tim Cone but we saw it fit to add a couple of pieces to the training pool,” ani Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio.
Mananatili naman sina naturalized player Justin Brownlee, Dwight Ramos, Kevin Quiambao, June Mar Fajardo, Carl Tamayo, Scottie Thompson, AJ Edu, Chris Newsome, CJ Perez, Calvin Oftana at Jamie Malonzo.
“Obviously, Justin will still be the top choice in terms of having a naturalized player in the lineup,” dagdag ni Panlilio.
- Latest


















