^

PSN Palaro

MASCO athletes magdodomina sa BP

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Walong sports events ang inaasahang dodominahin ng mga Manila athletes sa darating na 2025 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy National Championships sa General Santos City.

Ito ang sinabi kahapon ni Manila Sports Council (MASCO) chief Dale Evangelista sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ sa PSC Conference Room.

“Lahat siyempre gusto nating madomina, pero right now malaki ang laban natin sa Batang Pinoy sa athletics, aquatics, boxing, gymnastics, karate, weightlifting, chess at taekwondo,” ani Evangelista.

Nakatakda ang 2025 PSC-Batang Pinoy sa Oktubre 25 hanggang 31.

Matapos maitalaga bilang MASCO head ay kaagad inilatag ni Eva­ngelista ang programa para palakasin ang kasanayan ng atletang Manileño mula sa grassroots hanggang sa elite level upang masiguro ang ‘continuity’ hindi lamang sa kanilang pagsasanay bagkus sa kanilang edukasyon.

“The last Filipino so far na may double gold medal sa Olympic na purong taga-Maynila,” ani Evangelista kay gymnast Carlos Yulo na laking Malate.

Aniya, kagyat niyang inilunsad ang pagpapatupad sa mga programa sa mga barangays, pakiki­pagpulong sa mga opisyal na pampubliko at pribadong eskuwelahan, higit ang pakikipag-ugnayan kay PSC chairman Pato Gregorio upang magamit ang mga pasilidad sa Rizal Memorial Sports Complex.

Ilalarga naman ang Yorme Swimming Cup sa Setyembre 27-28 sa Teofilo Yldefonso Swimming Center.

MASCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with