15 Pinoy cue artists bibira sa US Open

MANILA, Philippines — Pakay ng 15 Pinoy cue artists na patalsikin sa trono ang defending champion na si Fedor Gorst ng America sa US Open Pool Championship sa Agosto 18 hanggang 23 sa Harrah’s Resort, Atlantic City, USA.
Pero siguradong hindi magiging madali ang iniisip ng mga Pinoy bets sa pangunguna ni reigning World 9-Ball champion Carlo Biado dahil bukod kay Gorst ay kasali rin ang iba pang world champions sa event na nakalaan ang premyong $500,000.
Makakasama ng 41-anyos na si Biado sa pagtugis sa korona sina 2025 Knight Shot Open champion Johann Chua, Michael Baoanan, Mark Muir, Harry Vergara, Bernie Regalario, Roland Garcia, Marvin Asis, Jefrey Roda, Patric Gonzales, Baseth Mocaibat, Glen Facun, Charls Darwin Vergara, Roberto Gomez at Lee Vann Corteza.
Nakalaban ni Gorst sa finals noong nakaraang taon ang kabayanag si Shane Van Boening na isa ring world champion at kasali rin ngayong taon.
Masusubukan agad ang tikas ng three-time world champion na si Biado pagharap niya kay Jason Munro ng Canada sa Round 1 race-to-nine match.
Kalaban ng 33-anyos na si Chua si Floro Ritarita ng host country.
Kailangan nilang manalo ng tatlong sunod upang makasampa sa Last 64 at makasiguro ng premyo.
Ang iba pang tigasing world champions na kasali ay sina Francisco Sánchez Ruiz (Spain), Mika Immonen (Finland), Niels Feijen (The Netherlands), Filipino-born Alex Pagulayan (Canada), Thorsten Hohmann (Germany) at Ko Pin Yi (Chinese Taipei).
- Latest


















