Yap nagtumba ng bronze sa sambo sa WG

MANILA, Philippines — Nagdagdag ng tansong medalya si sambo fighter Aislinn Yap para sa Team Philippines ilang araw bago pormal na magtapos ang 2025 World Games sa Chengdu, China.
Nakapasok sa podium si Yap matapos pataubin ang kaniyang Costa Rican opponent para masiguro ang tanso sa sambo combat 80kg category.
Ito ang ikaapat na medalya ng Pilipinas sa Chengdu World Games.
Una nang humirit ng tig-isang pilak sina Kaila Napolis sa women’s -52-kilogram ju-jitsu at Chezka Centeno sa women’s 10-ball, habang nag-ambag naman ng tanso si Carlos Baylon Jr. sa men’s wushu sanda 56kg class.
Tangan ang apat na medalya, masaya na si Chef de Mission Stephen Arapoc ng Muay Thai Association of the Philippines sa ipinamalas ng mga Pinoy athletes.
“The World Games opened our eyes to what is ahead of us in each sports competition. It may appear hard, but with all fairness I must say they gave it all,” ani Arapoc.
Hindi pa tapos ang laban dahil sasabak pa ang Pinoy bets sa duathlon mixed relay sa Xinglong Lake Hubin Arena.
Magtatangka ring humirit ng medalya si powerlifter Regie Ramirez sa men’s lightweight division sa Hi-Tech Zone Sports Centre Gymnasium.
- Latest



















