Wong laglag sa No. 8 place

CHENGDU, China -- Laglag si Agatha Wong sa No. 8 place sa siyam na kalahok sa women’s taolu ng 2025 World Games kahapon dito sa Hi-Tech Zone Sports Centre.
Kumolekta si Wong, isang five-time Southeast Asian Games champion, ng 9.160 points sa taijiquan (bare hands) at pipiliting makakuha ng malaking puntos sa pagsabak niya sa taijijian (sword).
Madedetermina ang mga kukuha sa gold, silver at bronze medal sa pagsasama-sama ng mga puntos sa dalawang wushu practices.
Nanguna si Zhuoling Lu ng host nation sa taijiquan sa kanyang 9.796 points kasunod sina Zeanne Law ng Singapore (9.740) at Basma Lachkar (9.720).
Nakatakda ring sumabak si wushu bet Jones Llabres Inso.
Samantala, sasagwan ang dragon boat team sa open 8-seater 2000-meter final sa Xinglong Lake Hubin Arena.
Lalabanan naman ng men’s floorball team ang Sweden squad.
- Latest





















