^

PSN Palaro

Alas Pilipinas olats sa Thais

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos angkinin ang first set ay hindi na napanatili ng mga Pinay spikers ang kanilang bangis sa sumunod na tatlong frames.

Nakalasap ang Alas Pi­lipinas ng 25-17, 24-26, 20-25, 20-25 kabiguan sa Thailand sa paghataw ng 2025 SEA V.League Leg 1 kahapon sa Terminal 21 Korat Gymnasium sa Na­khon Ratcha­sima.

Umatake sina Angel Canino, Alyssa Solomon at Eya Laure mula sa magagandang sets ni team captain Jia De Guzman para ku­nin ang first set.

Inagaw ng Na­tio­nals ang 24-23 abante sa se­cond frame matapos ang pa­lo ni Canino.

Nakabangon ang mga Thai hitters at sinikwat ang 26-24 panalo.

Binuksan ng Thailand ang third set sa 6-0 patungo sa paglilista ng 10-2 kala­ma­ngan na naputol ng Alas Pilipinas sa 20-21.

Muling kumawala ang mga Thais para iposte ang 2-1 bentahe at tuluyan nang tinapos ang laro sa 3-1.

Sasagupain ng Alas Pilipinas ang Vietnam nga­yong alas-2:30 ng hapon.

SPIKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with