^

PSN Palaro

Pacquiao ikakasa sa mas malalaking laban kung...

Dino Maragay - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao ikakasa sa mas malalaking laban kung...
Pabirong inambahan ni Manny Pacquiao ng suntok si Mario Barrios sa photo-off matapos ang kanilang press conference para sa kanilang laban bukas.
STAR/ File

LAS VEGAS -- Ang isang historic win bukas (Manila time) laban sa isang reigning champion ay mangangahulugan lamang na mananatili pa ang 46-anyos na si Manny Pacquiao.

May mga usap-usapan nang may naghihintay na mas malalaking laban para sa Filipino icon kung tatalunin niya si World Bo­xing Council welterweight champion Mario Barrios dito sa MGM Grand Garden Arena.

Nariyan ang posibleng upakan nila ni hard-pun­ching Gervonta Davis (30-0-1, 28 knockouts) na kasalukuyang isa sa malaking bituin sa boxing.

At siyempre, ang rematch kay Floyd Maywea­ther Jr. ay hindi mawawala sa pag-uusap kay Pacquiao na tatapusin ang four-year retirement para mapanatili ang kanyang legacy.

Magagandang pagkakataon ang naghihintay sa isang boxing star kagaya ni Pacquiao kung siya ang lalabas na panalo.

“A win here puts him in the stratosphere, that he’s bigger than anybody in boxing and a lot of sports in the world,” wika ni Sean Gibbons, ang presidente ng MP Promotions ni Pacquiao, sa mga Filipino sportswriters kahapon.

“This isn’t a Las Vegas story. This is a worldwide story. A fighter trying to accomplish something that’s never been done. At 46 years old, breaking his own record that he had at 40 years old,” dagdag nito sa magiging panalo ni Pacquiao kay Barrios.

Gumawa na ng kasaysayan si Pacquiao noong 2019 nang sa edad na 40-anyos ay talunin niya si Keith Thurman para makamit ang WBA welterweight diadem.

At ang 30-anyos na si Barrios ang haharang nga­yon sa kanyang hangarin.

Ang bentahe ng Me­xi­can-American ay ang kanyang kabataan, laki at aktibidad.

BARRIOS

MANNY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with