^

PSN Palaro

La Salle handa sa NU sa UAAP Finals

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
La Salle handa sa NU sa UAAP Finals
Angel Canino
UAAP

MANILA, Philippines —  Pareho ang nakatatak sa isip nina Angel Canino at Bella Belen, ito ay ang masungkit agad ang panalo sa Game One Finals ng UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na la­laruin bukas sa Smart Ara­neta Coliseum.

Dating Rookie/MVP awar­dees sina Canino (Season 85) at Belen (Season 84), pambato ng De La Salle University ang una, ha­bang panargo ng defen­ding champion National University ang huli.

Magsisimula ang best-of-three title series ng Lady Spikers at Lady Bulldogs sa alas-5 ng hapon.

Nais ni Canino at ng La Salle na maibalik ang koro­na sa kanilang bakuran kaya asahang ibubuhos nila ang kanilang lakas para matupad ito.

Sokpa sa kanilang ika-21 finals appearance ang Taft-based squad matapos magtala ang 21-anyos at tubong Bacolod City na si Canino ng 19 points nang patalsikin ang University of Sto. Tomas sa Final Four.

Nasungkit ng Lady Spi­kers ang pang-12 titulo sa 85th season nang kadenahin nila ang Lady Bulldogs.

“Happy kasi slow start eh, ang tagal makapag-adjust, eventually nagpaikot ka­agad ako ng setter so nakita ko naman na nag-work naman, marami pa kaming dapat ayusin,” sabi ni La Salle coach Ramil de Jesus na aasa rin kina Am­ie Provido, Shevana La­put, Alleiah Malaluan, Lyka De Leon at ace playmaker Mi­kelo Reyes.

ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with