Greatest
Kumbaga sa kasal, engrande.
Naka tuxedo ang ibang bisita mapa-player, coach, team manager at media. Ang mga babae, naka night-gown.
Daig pa ang FAMAS Awards.
‘Yan ang eksena sa formal presentation ng PBA Greatest 50 nung Biyernes sa Quezon City.
Biggest gathering ng PBA stars past and present.
Ang 10 latest additions ang bida, kabilang sila June Mar Fajardo, Scottie Thompson, Abe King, Manny Victorino, Yoyoy Villamin, Nelson Asaytono, Danny Seigle, Jeff Cariaso, Bong Hawkins and the late Arnie Tuadles.
Kasama na nila ang 25 na napili noong 2000 at ang additional 15 noong 2015. Kung kelan ang susunod, dehins natin alam.
Matinding process ang ginawa ng special selection committee kabilang ang legendary players, coaches at media.
Natural, may tumaas pa din na kilay. Bakit wala si ganyan o bakit kasama si ganun.
Ganyan talaga. Eh kahit 60 pa ang piliin, meron pa din magsasabi na may mas deserving na wala sa lista.
Kahit nga si Scottie, naniniwala na maraming deserving maisama sa Greatest 50.
Pero dehins niya sinabing hindi siya deserving.
Fake news ‘yun.
- Latest