^

PSN Palaro

Lady Bombers sinilat ang Lady Altas

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — E-exit na lang nakuha pang manilat ng Jose Rizal University nang shapolin nito sa limang sets ang University of Perpetual Help System DALTA, 18-25, 17-25, 31-29, 25-20, 15-12 sa second round ng NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na nilaro sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan, kahapon.

May kartang 3-14 ang Kalentong-based squad at kahit manalo pa sa huli nilang laro ay magbaba­kasyon pa rin sila ngayong season kaya masaklap ang naging pagkatalo ng Lady Altas dahil malaki ang tsansa nilang makapasok sa semifinals.

Nalasap ng ng UPHSD ang pang pitong kabiguan sa 16 na laro, may dalawa pa silang natitirang laban kaya puwede pa rin nilang mahabol ang No. 3 at 4 na Mapua University at Arellano University na hawak ang tig-11-6 baraha.

Kung nanalo sana ang Lady Altas ay mas malakas ang tsansa nilang umusad sa susunod na phase.

Samantala, nagwagi ang defending champion College of Saint Benilde sa Mapua U, 25-12, 25-19, 26-24 sa unang laro.

FILOIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with