^

PSN Palaro

Converge pinutol ng Magnolia

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Converge pinutol ng Magnolia
Bryan Santos
PBA Media Bureau

MANILA, Philippines — Dumiretso ang Magnolia sa ikalawang sunod na panalo matapos putulin ang koneksyon ng Converge, 83-71, sa Season 49 PBA Philippine Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Humakot si 6-foot-7 Ian Sangalang ng 18 points, 9 rebounds at 4 assists para sa 2-0 record ng Hotshots na nagmula sa 106-84 pagbasag sa Blackwater Bossing.

Iniskor ni 6’6 Zav Lucero ang 17 sa kanyang 18 markers sa second half para sa tropa ni coach Chito Victolero na nakahugot kay 6’6 Russel Escoto ng 11 points.

“We want to have fresh legs na everytime na mayroon kaming lima sa court,” ani Victolero. “We want our veterans to have that fresh legs para at least down the stretch we have good execution.”

Bigo naman ang FiberXers na maduplika ang 92-83 panalo sa Phoenix Fuel Masters at bumagsak sa 1-2 marka.

Naging dikitan ang laban hanggang makawala ang Magnolia sa 76-65 sa 3:21 minuto ng fourth quarter matapos makadikit ang Converge sa 56-59 sa pagtiklop ng third period.

Ang basket ni Sangalang kontra kay 6’8 Justin Arana ang naglayo sa Hotshots sa 78-66 sa huling 2:37 minuto ng laro.

“From the start nirespeto ko lang iyong dalawa. Binigay ko lang iyong dapat kong gawin, iyong trabaho ko ginawa ko lang para mabawasan din iyong kumpiyansa na dala-dala nila,” ani Sangalang kina Arana at 6’7 Justine Baltazar ng FiberXers.

Tumapos sina Arana at Schonny Winston na may tig-14 points sa panig ng Converge habang may tig-11 markers sina Baltazar at Kevin Racal.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->