^

PSN Palaro

NU reresbak sa UE

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
NU reresbak sa UE
Magsisimula ang paluan ng bola sa pagitan ng NU at UE sa ala-1 ng hapon pagkatapos ay ang bakbakan ng A­teneo De Manila University at Far Eastern University na aarangkada sa alas-3 ng hapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Ibubuhos ng defen­ding champions National University ang buong ngitngit sa pagsagupa nila sa University of the East ngayong araw sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament na lalaruin sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Magsisimula ang paluan ng bola sa pagitan ng NU at UE sa ala-1 ng hapon pagkatapos ay ang bakbakan ng A­teneo De Manila University at Far Eastern University na aarangkada sa alas-3 ng hapon.

Sumadsad ang NU sa nakaraang laban nila kontra Adamson University sa apat na sets kaya naman walang ibang nasa isipan ni former Rookie/MVP Mhicaela Belen na ibangon agad ang koponan upang mapanatili nila ang pagkapit sa tuktok ng team standings.

Tangan ng NU ang 9-2 karta, nasa solo second place ang De la Salle University na tangan ang 8-3 karta habang magkasalo sa No. 3 ang University of Sto. Tomas at FEU na may tig-7-4 baraha.

Napalaban ng todo ang Lady Bulldogs at kahit tumikada ang 22-anyos outside hitter na si Belen ng 19 points ay kapos pa rin para itaguyod sa panalo ang koponan.

Ito’y dahil nagpasabog si super rookie Shaina Marie Nitura ng 32 puntos mula sa 30 attacks at dalawang blocks para sa Adamson.

Maliban kay Belen, huhugot ng puwersa si NU head coach Sherwin Meneses kina Evangeline Alinsug, Minierva Maaya, Erin May Pangilinan at Arah Ella Panique.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->