Happy birthday PBA!
Ngayong araw na ito, April 9 nung 1975, ipinanganak ang PBA.
Kaya 50th birthday today ng paborito nating liga.
Sampung taon na lang, senior citizen na.
Alala ko pa nung early days ng PBA eh nakapanood ako ng games live. May sukatan sa entrance na kapag dehins lampas ang ulo ng bata, libre ang pasok.
Sa Araneta Coliseum ang unang game ng PBA at naglaban ang Mariwasa at Concepcion Carrier. Si Joy Dionisio ng Concepcion Carrier ang unang naka-iskor – layup.
Mamaya ang commemorative games at dahil retro, sa Rizal Memorial Coliseum gagawin. Old school.
Two games, Magnolia vs Converge then mga oldtimers, San Miguel vs Meralco. Ang balita, old style na uniforms ang gagamitin nila.
At may pakulo ang PBA. Kung may proof ka na 1975 ka pinanganak, free entrance. Magdala ka lang ng government ID or sedula kung gusto mo.
Sa Friday naman, formal dinner sa Solaire Resort sa Quezon City. Doon ang highlight dahil presentation ng 50 Greatest Players.
May discount din sa tickets mamaya ayon kay commissioner Willie Marcial. At dahil 50th birthday, may tickets na P50 for lower box at P30 sa bleacher.
‘Yan ang blowout ng PBA.
- Latest