^

PSN Palaro

Lucero humataw sa Hotshots

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Lucero humataw sa Hotshots
Bumira si Zav Lucero ng 21 points kasama ang dalawang three-point shots para banderahan ang Hotshots sa 106-84 pagdispatsa sa Blackwater Bossing kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

MANILA, Philippines — Nabalewala ang itinayong 17-point lead ng Magnolia sa second period, ngunit kumawala sa third quarter para ilista ang u­nang panalo sa Season 49 PBA Philippine Cup.

Bumira si Zav Lucero ng 21 points kasama ang dalawang three-point shots para banderahan ang Hotshots sa 106-84 pagdispatsa sa Blackwater Bossing kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Nagdagdag si Ian Sangalang ng 15 markers para sa 1-0 record ng Magnolia at may 14 at tig-13 points sina Mark Barroca, Jerom Lastimosa at Calvin Abueva, ayon sa pagkakasunod.

“In terms of preparation, we worked hard every practice and we try to give emphasis now on the small things, on the little things na medyo nakalimutan namin last conference,” wika ni coach Chito Victolero.

Nasayang ang pinasabog na game-high 31 points ni Christian David pati na ang 24 markers ni Sedrick Barefield para sa Blackwater.

Nakabangon ang Bos­sing mula sa isang 17-point deficit sa second period para makadikit sa 49-53 mula sa three-point shot ni JVee Casio sa pagbubukas ng third quarter.

Isang 7-0 atake sa pamumuno ni Lucero ang ginawa ng Hotshots para muling makalayo sa 60-49 patungo sa pagpoposte ng 20-point advantage, 79-59, sa huling tatlong minuto nito.

Isinara ng Magnolia ang nasabing yugto bitbit ang 85-66 kalamangan.

Sa pamumuno nina David at Barefield ay nakalapit muli ang Blackwater sa 79-92 sa huling 5:31 minuto ng fourth period.

Ngunit muling kumalas ang Hotshots para itayo ang 99-79 abante sa huling 2:55 minuto para selyuhan ang panalo sa Bossing.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->